Nasa 290,000 indigent Senior Citizens ang nakatanggap na ng P1,500 cash allowance para sa ikatlong quarter ng 2022 sa ilalim ng social pension program ng DSWD.
Ayon sa DSWD, 284,700 indigent seniors mula sa Davao Region ang nakatanggap na ng cash assistance sa pamamagitan ng DSWD field office XI habang 4,999 na seniors naman mula DSWD field office 1 ang nakatanggap na ng kanilang cash aid.
Ito ay dahil sa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens, ang mga may edad na, may sakit o may kapansanan ay makatatanggap ng cash assistance na P500 kada buwan upang matulungan sila sa kanilang gastusing medikal at iba pa.—mula sa panulat ni Hannah Oledan