Tatlo (3) na ang patay dahil sa indiscriminate firing o illegal discharge of firearms.
Base ito sa datos ng PNP mula December 17 hanggang 25.
Kinilala ang mga biktima ng ligaw na bala na sina Carlito Jayson, Ricardo Jayson at Camilo Jayson na pawang taga-Cebu at napatay noong Disyembre 24.
Napatay naman ang isang pulis noong December 24 habang rumeresponde sa isang gulo sa Cebu na kinilalang si Police Senior Inspector Alexander Nunez.
Arestado naman ang 4 na katao matapos mahuli dahil sa indiscriminate firing na sina Wilfredo Bunagan, Carlo Jayson, Mariano Jiminez, Elmo Refuenso at Dominador Tugarino.
Habang patuloy na pinaghahanap sina PO1 Arthur Sambiog Malayo, Jaime Jayson, PO1 Ronel Pantig at Julius Olimpo matapos magpaputok ng baril.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal