Tumaas ang bilang ng mga insidente ng indiscriminate firing sa Metro Manila ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Batay ito sa datos ng National Capital Region Police Office o NCRPO, kung saan umabot sa labing tatlo (13) ang naiulat na kaso ng indiscriminate firing mula Disyembre 16, 2017 hanggang Enero 1, 2018.
Kumpara ito sa naitalang apat na inisidente noong Disyembre 16, 2016 hanggang Enero 1, 2017.
Aabot naman sa sampung (10) indibidwal ang naaresto na ng pulisyya dahil sa kaso ng walang habas na pagpapaputok ng baril kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Samantala, tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi nila kukunsintihin ang dalawang (2) sundalong sangkot sa kaso ng indiscriminate firing noong bisperas ng Bagong Taon sa Bicutan, Taguig City.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Leiutenant Colonel Rey Tiongson, iniimbestigahan na ng pulisya ang kaso ng mga sundalong sina Corporal Richard John Quijano at retired Staff Sergeant Jamael Mindalano na sangkot sa walang habas na papaputok ng baril.
Dagdag ni Tiongson, bukod sa patong – patong na kaso, posible ding maharap si Quijano, na isang aktibong sundalo sa dishonorable discharge sa serbisyo at mawalan ng mga benepisyo.
Batay sa ulat, isang kapitbahay ng dalawang sundalo sa Bicutan ang nasugatan matapos nang walang habas nga pagpapaputok ng baril ng mga ito.