Nakahanda ang pamahalaan ng Indonesia na tumulong sa imbestigasyon sa nangyaring kambal na pagsabog sa cathedral sa Jolo Sulu noong nakaraang linggo.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nakipag-ugnayan na sila sa Indonesian government para agad na matukoy ang nasa likod ng pag-atake.
Kasunod na rin aniya ito ng lumabas na anggulong isang mag-asawang Indonesian suicide bombers ang posibleng nagsagawa ng pag-atake.
Sinabi ni Año, tutulong ang Indonesia sa isinasagawang forensic at DNA examinations.
—-