Ipinagbabawal ng Indonesia ang lahat ng syrup at liquid medicine prescription at over-the-counter sales matapos ang pagkamatay ng halos isandaang indibidwal dahil sa acute kidney injury.
Batay sa pinakahuling datos, nasa 70 bata sa Gambia sa unang bahagi ng taon kaugnay ang isang iskandalo na kinasasangkutang ng apat na Indian-made cough syrup.
Bilang pag-iingat, iniatas ng ministro sa lahat ng health workers na huwag munang mag-reseta ng liquid o syrup medicine hanggang sa makumpleto ang imbestigasyon.
Sa kasalukuyan ay nasa 200 ulat na ng kidney injury incidents ang natatanggap ng pamahalaan ng Indonesia kun saan karamihan dito ay naitala sa mga kabataan edad 18 pababa. —sa panulat ni Hannah Oledan