Kinumpirma ng Indonesian Government na 7 pa nilang kababayan ang dinukot ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Chief Security Minister Luhut Binsar Pandjaitan, 7 sa 13 crew ng Charles tug boat ang hawak ngayon ng Abu Sayyaf.
Nakumpirma di umano ito sa pamamagitan ng tawag ng isa sa mga biktima sa kanyang asawa na nagsasabing humihingi ng 20 million ringgit na ransom ang mga dumukot sa kanya.
Una nang itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong pagdukot sa mga Indonesians sa Tawi-Tawi.
By Len Aguirre