Mas malala ang problema ng Indonesia sa illegal drugs kumpara sa Pilipinas.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Jakarta, Indonesa.
Sinabi ng Pangulo na batay sa pag-uusap nila ni Indonesian President Joko Widodo sa katatapos na ASEAN summit sa Laos, malaki rin ang problema ng kanilang gobyerno sa iligal na droga.
Pumapalo sa mahigit Apat na milyong Indonesians ang lulong sa shabu, mas mataas ito kumpara sa Pilipinas na nasa 3.7 million.
Dahil sa nakikitang seryosong kampanya ng pangulong Duterte laban sa iligal na droga, planong gayahin ni Indonesian anti-narcotics chief Budi Waseso ang estilo ng Presidente sa pagsugpo sa nasabing problema.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping