Nangako si Indonesian President Jojo Widodo na kanilang ipagpapatuloy ang kalakalan at pamumuhunan ng mga negosyante sa Pilipinas.
Kasunod ito ng unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indoneisa para lagdaan ang ibat-ibang mga kasunduan.
Ayon kay President Widodo, maglalagay sila ng karagdagang negosyo dahil maraming nakitang oportunidad ang mga Indonesian investors sa bansa.
Handa rin silang tumulong sa mga negosyanteng pilipino upang mas mapaganda pa ang marketing strategies at business plans sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod pa dito, paiigtingin din ni President Widodo ang pag-eexport o pagpapadala ng ibat-ibang pagkain at pharmaceutical products sa Pilipinas.