Nangako ang Indonesian government sa Pilipinas na tutugon ito sa kahilingan ng bansa na i-prosecute ang mga taong reponsable sa pagdadala kay Mary Jane Veloso sa Indonesia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pangakong ito ng Indonesia sa Pilipinas ay naganap nang magpulong sina Yogyakarta Chief Prosecutor Tony Spontana at ilang opisyal ng DFA kasama ang mga abogado ni Mary Jane.
Magugunitang noong nakaraang linggo, kasamang dumalaw ng pamilya Veloso ang ilang DFA officials at mga abogado nito sa selda ni Mary Jane kung saan napag-usapan ang nasabing bagay.
By Meann Tanbio | Allan Francisco