Ayon sa United States Geological Survey, namataan ang sentro ng pagyanig malapit sa bayan ng Jakarta.
Una rito, iniulat ng weather and Geophysics Agency na magnitude 5.6 ang tumama sa nasabing bansa na may lalim na sampung kilometro at episentrong nasa cianjur sa West Java.
Wala namang naitalang casualties at pagkasira dahil sa lindol, dahil agad nakalikas ang mga mamamayan.
Matatandaang batay sa Indonesia’s meteorology, climatology and geophysics agency, madalas tamaan ng lindol ang indonesia dahil malapit ito sa pacific “Ring of Fire”.