Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Eastern Maluku Province sa Indonesia.
Ayon sa Meteorology, Climatology and Geophysics Agency namataan ang epicenter ng lindol sa layong 163 kilometers Northeast of Maluku Barat Daya District na may lalim na 10 kilometro.
Hindi naman nagdulot ng tsunami ang naganap lindol pero patuloy pang inaalam kung may mga nasawi, nasaktan o naapektuhan sa naganap na pagyanig. —sa panulat ni Angelica Doctolero