Hindi na matutuloy ang Under-20 World Cup sa Indonesia at Under-17 tournament sa Peru sa susunod na taon.
Ito ang inaunsiyo ng FIFA sa gitna ng banta ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa governing body, hangga’t nagpapatuloy ang COVID-19 pandemic ay mahihirapan silang isagawa ang mga international sporting events bunsod na rin ng mga paghihigpit sa mga biyahe o flights.
Target naman ng FIFA na idaos ang mga nabanggit na torneo sa taong 2023.