Tinatayang aabot sa 145,000 mga residente ang pinalikas sa dalawang lugar sa Indonesia kasunod ng pag-aalburuto ng dalawang bulkan doon.
Tinatayang nasa 134,000 ang kasalukuyan nang nasa mga evacuation centers sa isla ng Bali bunsod ng pagputok ng Mount Agung.
Habang nasa 11,000 residente naman ang inilikas din sa bayan ng Ambae bunsod naman ng pag-aalburuto ng Bulkang Marano na mas kilala rin bilang Lombenben.
Kapwa matatagpuan ang dalawang bulkan sa ibabaw ng Pacific Ring of Fire kung saan, ramdam hanggang sa mga bansang New Zealand gayundin sa ilang mga lugar sa South Amerika ang pagyanig dulot ng mga naitalang aktibidad.
—-