Pinaniniwalaang lumubog ang isang bangkang may lulan ng 100 tao sa dagat ng Sulawesi sa Indonesia.
Kabilang ang 19 na bata sa mga pasahero nang umalis ang bangka sa Kolaka, Southeast Sulawesi kahapon ng umaga.
Ayon sa tagapagsalita ng Transport Ministry ng Indonesia na si J.A. Barata, nakakuha pa sila ng distress signal mula sa bangka na ito’y nasa gitna ng mga alon na may taas na 4 hanggang 5 metro.
Patuloy pa rin ang search and rescue operation para sa nasabing bangka.
By: Avee Devierte