Nagsimula nang makipag-negosasyon ang Indonesian Embassy sa Abu Sayyaf Group.
Ito ay para mailigtas ang 10 tugboat crewmen na dinukot sa Tawi-Tawi noong nakaraang buwan.
Sinasabing ang 10 Indonesians ay hawak ngayon ng grupong pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-Leader Muammar Askali.
Humihingi ang mga bandido ng P3 bilyong piso kapalit ng kanilang kalayaan.
Nagbanta pa ang Abu Sayyaf na papatayin ang 10 tugboat crewmen kung hindi maibibigay ang ransom money sa Abril 16.
By Meann Tanbio