Gumagawa na ng paraan ang football association sa indonesia kung paano maiiwasan ang mga football related incidents sa kanilang bansa.
Ito ay matapos umakyat pa sa 174 ang nasawi sa indonesia matapos magkaroon ng stampede sa pagitan ng mga fans ng Arema FC at mga otoridad nang matalo ang kanilang team ng Persebaya Surabaya.
Ayon sa Football Association, simula noong 1994 ay marami na ang naitalang nasawi sa bansa dahil sa football related incidents.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng football association kung ano ang dapat gawin para maiwasang maulit ang nangyari.