Malaya nang nakapapasok sa teritoryo ng Pilipinas ang puwersang militar ng bansang Indonesia makaraang makakuha umano ng pahintulot mula sa pamahalaan ng Pilipinas.
Kinumpirma ito ni Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu kung saan sinabi nito na nakapag-usap na sila ni outgoing Defense Secrtary Voltaire Gazmin hinggil sa usapin.
Pero nilinaw ni Ryacudu na ang misyon ng kanilang military forces ay upang sa alalayan lamang ang kanilang mga barko partikular na sa Sulu Sea.
Nakasaad aniya sa bilateral agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Indonesia noong 1975 na maaaring magkaroon ng joint military operations ang dalawang bansa kung ang hinahabol nilang terorista at pumapasok sa teritoryo ng dalawang bansa.
Ginawa ng Indonesia ang pahayag kausnod ng panibagong pagbihag ng bandidong Abu Sayyaf sa 5 Indonesian nationals na lulan ng isang barkong naglalayag sa naturang karagatan.
By Jaymark Dagala