Todo bantay na ang Indonesian government sa hilagang bahagi ng Borneo upang mapigilan ang posibilidad na pagpasok ng Maute Group sa naturang bansa.
Sa gitna ito ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Maute sa Marawi City.
Sa ulat ng Antara News Agency, tinukoy nito ang paglipad ng tatlong (3) sukhoi jet sa probinsya ng North Kalimantan sakaling tumakas at magtungo sa Indonesia ang naturang teroristang grupo.
Dahil sa patuloy na banta ng terorismo, ngayong Lunes ay nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas para pasinayaan ang pagpaparulya sa karagatang sa pagitan ng naturang mga bansa.
By Rianne Briones