Isa sa masayang event sa buhay ng tao ang pagpapakasal sa kaniyang minamahal.
Ngunit ang isang lalakeng ito na mula sa Indonesia ang nag-trending sa social media matapos magpakasal sa isang rice cooker.
Kinilala ang groom na Si Khoi-Rul Anam.
Kumalat sa Facebook ang wedding pictures ni Anam kasama ang kaniyang bride na rice cooker.
Makikita sa picture na mukhang pinaghandaan ni Anam ang kaniyang suot na puting damit pangkasal at nilagyan din nito ng veil ang kaniyang bride na rice cooker.
May picture din si Anam na hinahalikan nito ang rice cooker bilang simbolo ng first kiss nila bilang mag-asawa.
Hindi man pangkaraniwan ito, pero proud si Anam sa kaniyang naging desisyon sa buhay.
Hindi naman nagpahuli ang Pinoy netizens sa pagbati at pagkomento sa mag-asawa.
Ilan sa mga netizen ang nagsabing, hangad niya ang kaligayahan ng bagong kasal. May nagsabi ring “sana matapos na ang pandemya para makalabas na ang mga tao sa bahay” at may komento ring “when kanin is life…and kanin is love love”.