Pinalaya ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang isang Indonesian national na kanilang binihag sa bahagi ng karagatang malapit sa Sabah Malaysia noong Setyembre.
Batay sa ulat, si Sulu Governor Sakur Tan ang nag-turn over sa nakalayang Indonesian na si Samsul Sagani kay 41st Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Alaric Avelino, alas-4:30 ng hapon, kahapon.
Sinabi naman ni Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Colonel Gerry Besana, agad na isinailalim sa debriefing at medical check-up ang Indonesian na si Sagani matapos itong makalaya.
Ngayong araw, nakatakdang dalhin ang nakalayang bihag sa headquarters ng WESTMINCOM sa Zamboanga City para mai-turn over naman sa mga Indonesian officials.
Si Saguni ay binihag ng Abu Sayyaf noong Setyembre 11 habang nangingisda kasama ang isa pang Indonesian na si Usman Yunos na unang nakatakas noong Disyembre.
—-