Inasahang darating ngayong araw na ito si Indonesian President Joko Widodo para sa kanyang state visit sa bansa.
Kabilang sa bibisitahin ni Widodo ay ang Davao kung saan pasisinayaan ang RO-RO shuttle service na may rutang Davao – General Santos City diretso sa Manado at Tahuna sa Bintung, Indonesia.
Ayon kay Widodo, ito ay ang pagsisimula ng integration ng maritime infrastracture na bahagi ng isinusulong sa buong ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Kumpiyansa si Widodo na mapalalakas nito ang import-export process, turismo at pagbubukas ng maraming oportunidad para sa dalawang bansa.
Security
Higit tatlong libo at limang daang (3,500) security forces ang ipinakalat sa Davao City upang masiguro ang kaligtasan ni Indonesian President Joko Widodo na nakatakdang bumisita sa bansa ngayong araw na ito.
Ayon kay Police Regional Office – Davao Spokesperson Police Chief Inspector Andrea dela Cerna, todo-higpit na sila sa lahat ng pumapasok at lumalabas sa syudad.
Kaugnay nito, nakaalerto ang Task Force Davao, Davao City Police Office, Central 911, Bureau of Fire Protection at Civil Defense Office.
Aniya, ang inilatag nilang seguridad ay kahalintulad din nang bumisita sa syudad si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
By Rianne Briones
Indonesian President Widodo darating sa bansa ngayong araw was last modified: April 28th, 2017 by DWIZ 882