Dapat na umanong ipatupad sa Indonesian suicide bomber na nahuli sa Sulu nitong October 10 ang anti-terrorism law.
Ito ang iginiit ni Sen. Panfilo Lacson kung saan maaari aniyang maging test case sa pagpapatupad ng anti-terrorism law ang pagkahuli kay Nana Isirani alyas Rezky Fantasya Rullie.
Si Rullie ay nadakip kasama ang dalawang iba pang babaeng hinihinalang asawa ng mga Abu Sayyaff nakumpiska sa mga ito ang mga improvised explosive device vest at iba pang mga pampasabog.
Giit ni Lacson halimbawa ito ng “inchoate offenses” na nakasaad sa bagong batas kung saan maaari ring ipagharap sa kasong kriminal ang mga kasama sa pagpaplano at paghahanda sa pagsasakatuparan ng isang terrorism act.
Sa ilalim ng batas, reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong na ang parusang maaaring ipataw sa mga ito.