Niyanig ng napakalakas na lindol ang Maluku Province, Indonesia.
Dakong 12:20 nang madaling araw, oras sa Pilipinas, nang tumama ang Magnitude 7.3.
Natunton ng Indonesian Seismological Centre ang sentro ng pagyanig 120 kilometers, hilagang-silangan ng bayan ng Lospalos.
Naramdaman din ang lindol sa ilang panig ng indonesia hanggang sa Northern Territory, Australia.
Wala namang napaulat na tsunami warnings o nasaktan o nasawi at napinsala sa malakas na pagyanig. —sa panulat ni Drew Nacino