Gumawa ng hakbang ang ilang mambabatas para maisalba ang industriya ng asin sa Pilipinas.
Inihain ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang House Bill No. 1976 na nais amyendahan ang asin law at gumawa ng comprehensive salt industry development program sa bansa.
Maglulunsad din ito ng national salt congress sa Nobyembre kasama si Presidenteng Ferdinand Marcos Jr. bilang guest speaker.
Samantala, nais naman ni senator Joel Villanueva na muling pag-aralan ang Asin Law at paimbistigahan kung bakit mababa ang porsyento ng pag-i-import ng asin.—mula sa panulat ni Hannah Oledan