Namemeligro na ring bumagsak ang industriya ng Asin sa Pilipinas.
Ayon sa ulat, 93% na ng ibinebentang asin sa merkado ang imported habang 7% ang gawang lokal o gawa sa bansa.
Tinitignang dahilan ng problema ang isinabatas na Republic Act 8172 o Asin Law kung saan required na lagyan ng Iodine ang Asin bago ibenta sa merkado.
Bagaman tulong ito para mabawasan ang sakit sa Goiter, marami namang magsasaka ang hindi na gumagawa ng Iodine Salt dahil kulang sa kaalaman at puhunan.
Ang mga probinsiya ng Pangasinan, Cavite, Bulacan at Mindoro ang pangunahing pinagkukunan ng Asin o Rocksalt sa Pilipinas.