Posibleng mabawasan na ang pangangailangan ng Pilipinas sa pag-aangkat ng bawang at sibuyas sa ibang bansa.
Ito’y dahil sa balak ng Department of Agrarian Reform o DAR na muling buhayin at pasiglahin ang industriya ng bawang at sibuyas sa rehiyon ng Ilocos.
Pinangunahan ng DAR ang isang dialouge sa mga agrarian reform beneficiaries sa bayan ng San Juan sa La Union kamakailan.
Batay sa resulta ng pag-uusap, nabatid na bumaba ang lokal na produksyon ng sibuyas at bawang sa Ilocos dahil sa pagpasok ng mga imported na produkto mula Taiwan at China.
Ito ang siyang dahilan kaya’t bumaba lalo ang presyo ng mga ito sa pamilihan na nagresulta sa pagkalugi ng mga nasa lokal na industriya.
—-