Nananatiling ang industriya ng BPO o Business Process Outsourcing ang pinakamalaking generator ng trabaho sa bansa.
Tinatayang nasa 140,000 mga bakanteng trabaho ang inilibas ngayong taon ng Philjobnet.
Batay sa internet-based job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment na sa buong taon ay ang posisyon ng call center ang nangungunang may bukas na trabaho o hiring.
Noong December 15 ay naitala ang 781 bakante para sa call center agent.
Ilan pa sa mga nangungunang bakanteng trabaho sa job portal ng DOLE ay ang Office Clerk at service crew na kapwa na nasa 756.
Non formal education teacher na nasa 359 at food service dispatcher na nasa tatlong daan.
Samantala, para sa mga nais naman maghanap ng trabaho na hindi bababa sa 15 anyos ay maaaring magparehistro sa Philjobnet .