Unti-unti nang nakababawi ang industriya ng itlog sa Minalin Pampanga matapos ang ilang linggong pagkalugi dahil sa bird flu outbreak.
Ayon kay Rey Lugtu ng Minalin United Poultry Raisers Association, tuluy-tuloy na ang suplay ng mga itlog sa kanilang lugar at unti-unti nang umuusad ang kanilang mga negosyo.
Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang programa para sa rehabilitasyon ng mga apektadong poultry farmers at owners.
Matatandaang noong Lunes bumisita si Pangulong Duterte sa lalawigan at sumama sa boodle fight para patunayang ligtas kainin ang mga manok at iba pang poultry products sa lugar na naapektuhan ng bird flu virus.
By Arianne Palma