Nanganganib na ang industriya ng Pangisdaan sa Lingayen, Pangasinan dahil sa banta ng El Niño phenomenon.
Tinatayang 60 porsyento na ng mga ilog sa lingayen ang nakararanas ng matinding tagtuyot kaya’t patuloy ang pagbaba ng produksyon ng isda.
Umapela naman ng tulong mula sa provincial government at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Pangulo ng Lingayen Federation of Fisher folk Organizations na si Edgar Sison.
Ayon kay Sison, nangangailangan ang kanilang mga kapwa fishpen operator ng water pumps upang matiyak na may daloy ng tubig sa kanilang mga palaisdaan.
Samantala, inihayag naman ni BFAR Provincial Fishery Officer Glicerio Legaspi na nagsasagawa na sila ng consultative meetings upang makapaglatag ng plano para sa dredging ng mga ilog.
By: Drew Nacino