Pinuri ng World Travel and Tourism Council (WTTC) ang Pilipinas sa pinakahuling Economic Impact Report para sa taong 2021.
Ayon sa sektor, ramdam na ang pagsigla ng turismo sa iba’t ibang panig ng bansa matapos padapain ng COVID-19 pandemic simula noong nakaraan taon.
Pumang-apat ang Pilipinas sa pinakamabilis na lumagong turismo noong nakaraang taon.
Nabatid na gumawa ng makabuluhang rebound ang Pilipinas matapos makapagtala ng 41 billion dollars na kontribusyon sa ekonomiya ang naturang sektor.