Patuloy ang pagbaba ng infection rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang inihayag ng OCTA research group makaraang makapagtala ng halos animnalibong panibagong kaso ng COVID-19, kahapon.
Ayon sa OCTA, “generally flat” na ang infection rate ng COVID-19 sa Pilipinas o nasa 0.93,batay sa covid act now metrics na dinevelop ng Harvard Global Health Institute at Harvard Edmond J. Safra Center for Ethics sa tulong ng Bloomberg, Apple at Microsoft.
Bumulusok sa 0.84 ang infection rate sa Metro Manila o nasa “downward trend” para sa mga bagong kaso habang nakitaan din ng “flat trend” sa Bacolod City sa rate na 1.04.
Gayunman, nasa upward trend ang infection rate sa mga lungsod ng davao, 1.36; Iloilo, 1.14 at Cebu, 1.30 kaya’t ibinabala ng OCTA na nanganganib mapuno ang mga intensive care unit sa mga nabanggit na syudad.
Nasa 85 percent ang ICU utilization rate sa Davao at Iloilo o high risk at posibleng maging overloaded sakaling magkaroon ng COVID-19 surge. —sa panulat ni Drew Nacino