Bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation nitong buwan ng Oktubre.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 2.5% ang inflation nitong Oktubre ngayong taon —mas mabilis ito kumpara sa 2.3% na naitala naman noong Setyembre.
Malaki naman ang naging ambag ng pagtaas ng presyo ng pagkain, partikular na ng karne, gulay at isda, sa pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan.
Samantala, naitala rin ang pagtaas sa singil sa barbershop services, halaga ng edukasyon sa mga pribadong paaralan, at maging pagtaas sa pamasahe nitong Oktubre.