Naniniwala ang ekonomistang si Albay Representative Joey Salceda na bababa din sa 6.1 percent ang inflation rate ng bansa ngayong buwan ng Setyembre.
Ang pagbaba aniyang ito ay mananatili hanggang sa katapusan ng taon.
Sinabi ng mambabatas na kung magiging agresibo ang hakbang ng gobyerno ay maaaring magkaroon ng malaking pagbaba sa inflation sa susunod na taon.
Iginiit ni Salceda na dapat makinig ang pamahalaan sa mungkahi nila ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na bawasan ang taripa sa pag-aangkat ng isda at karne para mapababa ang inflation.
—-