Inihayag ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na posibleng sumampa sa 6.5% ang inflation rate ng bansa sa loob ng tatlong taon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Diokno, inaasahang sasampa sa 5.7% hanggang 6.5% range ang inflation ngayong buwan.
Iginiit ni Diokno na ilan sa mga pangunahing pinagmumulan ng inflationary pressures ay ang pagtaas ng presyo ng langis sa international market, pagtaas ng singil sa kuryente, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain, at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.