Inaasahang babagal pa ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo para sa buwan ng Agosto.
Batay sa ulat ni Robert Dan Roces, economist ng Security Bank, maaaring pumalo na lamang sa 1.8% ang inflation rate ngayong buwan.
Mas mababa ito kumapara sa 2.4% rate na naitala noong nakaraang buwan, Hulyo.
Paliwanag ni Roces, ito ay dahil sa mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang pagkain.
Batay pa aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may pagbaba din sa presyo ng palay sa bansa bunsod ng rice tarrification law.
Samantala, bumaba rin naman ang presyo ng kuryente dahil naman sa mas mababang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).