Bumilis pa ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong buwan ng Disyembre, taong 2019.
Batay sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 2.5% ang inflation nitong Disymebre —mas mataas ito kumpara sa naitalang 1.3% noong nakaraang Nobyembre nang taong 2019, ngunit mas mababa pa rin kumpara sa naitalang 5.2% na inflation noong kaparehong buwan nang taong 2018.
Gayunman, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sakop pa rin ito sa target inflation rate ng pamahalaan na 2% hanggang 4% inflation rate.
The annual average headline inflation of the country for the year 2019 slowed down to 2.5 percent, from 5.2 percent in 2018. #PHCPI#Inflation
— @PSAgovph (@PSAgovph) January 7, 2020
Mas mataas na transport cost malaking dahilan ng pagtaas ng inflation
Ang mas mataas na transport cost ang pinakamalaking dahilan ng pagtaas ng inflation rate nitong Disyembre ng 2019.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ng 2.2% ang transport cost nitong December 2019.
Sinundan ito ng 1.7% na pagtaas ng inflation sa pagkain at non-alcoholic drinks.
Sa hanay ng mga pagkain, nakapagtala ng mataas na presyo ang gulay, isda at bigas.