Bahagyang bumilis ang pagtaas sa presyo ng bilihin nitong nakalipas na buwan ng Enero.
Ito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ay matapos makapagtala ng 2.9% na inflation rate noong isang buwan na mas mataas kumpara sa 2.5% noong December 2019.
Gayunman, kung ikukumpura sa January 2019 na 4.4% inflation rate –higit na mababa ang January 2020 inflation rate.
Ang mabilis na inflation noong nakalipas na buwan ay dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sigarilyo at alak.
Nananatili namang pasok sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naitalang January inflation.