Bumilis ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin nitong Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala sila ng 2.7% na headline inflation noong Hulyo.
Mas mataas ito sa 2.5% na naitala naman noong Hunyo.
Pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate ang mataas na pasahe sa tricycle dahil isang pasahero lang ang pinapayagang sumakay.
Maliban dito, nakapagtala rin ng pagtaas sa housing, tubig, kuryente at gas.