Bahagyang kumalma ang inflation o bilis nang pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa nakalipas na buwan.
Ito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ay dahil sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non alcoholic beverages.
Ipinabatid ni PSA chief at national statistician Dennis Mapa na rumehistro sa 4.5% ang inflation sa buwan ng Marso, mas mabagal sa naitalang 4.7% noong Pebrero.
Dahil dito, nasa 4.5% ang hear-to-date inflation na lampas pa rin sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4% inflation rate.