Walang naitalang paggalaw sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Mayo ngayong taon, kumpara sa nakalipas na buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 4.5% ang inflation nitong Mayo, kapareho nang naitala noong buwan ng Abril at Marso,
Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay naitala sa 4.5 percent nitong May 2021. #PHCPI #Inflation @mapa_dennis
— Philippine Statistics Authority (@PSAgovph) June 4, 2021
Mas mabilis naman ito kaysa sa 2.1% na naitalang inflation rate noong Mayo naman ng nakaraang taon.