Bahagyang bumilis ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong buwan ng Nobyembre.
Ito’y makaraang naitala ang limang buwang magkakasunod na pagbagal nito.
Batay sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 1.3% ang inflation nitong Nobyembre —mas mataas ito kumpara sa naitalang 0.8% noong nakaraang Oktubre nang kasalukuyang taon, ngunit mas mababa pa rin kumpara sa naitalang 6% na inflation noong kaparehong buwan nang taong 2018.
The year-on-year headline inflation at the national level accelerated to 1.3 percent in November 2019, after it decelerated for five consecutive months since June 2019. #PHCPI #Inflation
— @PSAgovph (@PSAgovph) December 5, 2019