Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbaba ng inflation sa buwan ng Hulyo.
Ayon sa pagtaya ng BSP, papalo sa 2.0% hanggang 2.8% ang inflation sa Hulyo.
Babalansehin umano ito ng pagbaba ng presyo ng bigas at ng LPG ang pagtaas ng presyo ng ibang mga bilihin.
Tumaas man anila ang presyo ng gasolina at iba pang pagkain, bumaba naman ang presyo ng bigas, LPG at kuryente.
Magugunita umanong sumipa ang inflation noong 2018 at dahil anila ito sa pag arangkada ng presyo ng bigas matapos hindi agad makapag-angkat kung saan naapektuhan ang suplay ng bansa.