Posibleng humigit pa sa target ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang maitalang inflation rate ng nakaraang buwan.
Sang-ayon sa pagtataya ng economic research ng BSP, aabot ng 4.4% hanggang 4.8% ang inflation rate noong nakaraang buwan na mas mataas naman noong buwan ng Abril.
Paliwanag ng mga eksperto, ilan sa mga dahilan ng pagtaas din ng inflation rate ay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at kuryente at iba pang mga dahilan.
Sa huli, umaasa ang BSP na maglalaro pa rin sa 2% hanggang sa 4% ang maitatalang inflation rate alinsunod sa target ngayong taon.