Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong Hunyo.
Batay sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 2.7% ang inflation nitong Hunyo, mas mababa sa naitalang 3.2% noong Mayo.
BREAKING: Inflation o antas ng pagtaas sa presyo ng bilihin sa Pilipinas bumagal sa 2.7% ngayong Hunyo, kumpara sa 3.2% noong Mayo; pinakamababang inflation rate din mula moong Setyembre taong 2017 pic.twitter.com/QqHqnOffkm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 5, 2019
Ayon kay PSA National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ang pagbaba sa presyo ng mga pagkain at nonalcoholic drinks.
Nakapag-ambag din aniya dito ang presyo ng mga produktong petrolyo, pasahe sa mga domestic flights at ferry o barko, housing, singil sa tubig at kuryente.
Ito na ang pinakamabagal na naitalang inflation sa loob ng 22 buwan o September 2017.