Bumagal pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong Oktubre.
JUST IN: Inflation, naitala sa 0.8% nitong Oktubre 2019 —mas mababa ito kumpara sa 0.9% na naitala noong Setyembre | via @PSAgovph pic.twitter.com/fmzq7o1pOW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 5, 2019
Batay sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak pa sa 0.8% ang inflation nitong Oktubre, mas mabagal ito kumpara sa 0.9% inflation rate na naitala noong nakaraang Setyembre.
Ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala mula noong May 2016 kung saan naitala ang 0.9% inflation rate. Dahil dito, nasa 2.9% na ang inflation rate mula Enero hanggang Oktubre o para sa kabuuan ng 2019. Ang October inflation rate ay mahigit sa 5% mas mababa sa 6.7% inflation rate na naitala noong October 2018. Partikular na naging dahilan ng mababang inflation rate ang bumababang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages kabilang ang bigas, mais, asukal at gulay.
The downtrend in the inflation in October 2019 was primarily due to the annual drop in the index of the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages. #PHCPI #Inflation
— @PSAgovph (@PSAgovph) November 5, 2019