Bumagal pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Batay sa ipinalabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak pa sa 0.9% ang inflation nitong Setyembre, mas mabagal ito kumpara sa 1.7% inflation rate na naitala noong nakaraang Agosto.
JUST IN: Inflation rate noong Setyembre 2019, bumaba pa sa 0.9%, ayon sa @PSAgovph https://t.co/QBLQzIzc3R
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 4, 2019
Dagdag pa ng PSA, ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala mula noong Hunyo ng taong 2016 kung saan 1.3% ang naitala.