Asahan na ang mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo sa mga susunod na buwan.
Ito’y makaraang pumalo sa 3.3 percent ang inflation rate nitong buwan ng Pebrero na siyang pinakamabilis sa loob ng 27 buwan o dalawa’t kalahating taon.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, sinasabing ang patuloy na pagbagsak ng halaga ng Piso kontra Dolyar ang nagdulot ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.
Babala naman ni Socioeconomic Secretary Ernesto Pernia na damay rin sa nasabing pagtaas ng presyo ang bigas dahil sa kakaunting suplay nito bunsod ng paglimita sa pag-aangkat ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala