Posibleng bumilis pa ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa buwan ng Hulyo.
Ayon sa Department of Finance, maaaring maitala ang 5.3 na inflation bunsod ng pagtaas ng halaga ng mga produktong mula sa tabako, maging ang mga produktong petrolyo, bahay, tubig at kuryente. Kung sakali, mas mataas ito kumpara sa 5.2 na inflation na naitala noong Hunyo.
Una rito, inamin na ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring sumablay ang kanilang target forecast na 4.5 percent ngayong taon dahil sa pagtaas ng sahod at pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ang July inflation rate ay ilalabas sa unang linggo ng Agosto.