Posibleng bumagsak sa all time low ang inflation rate ng bansa para ngayong buwan.
Ayon kay Finance Usec. Gil Beltran, posibleng bumaba sa .5 o .6 percent ang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Agosto, dahil sa mababang presyo ng pangunahing bilihin.
Sinabi ni Beltran na posibleng umabot lang din sa 1.1 percent ang pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, lubhang mas mabagal kaysa sa 7.4 percent noong Setyembre 2014.
By Katrina Valle