Inaasahang sasampa sa 3% ang Inflation Rate ng Pilipinas sa huling kwarter ng 2023 at 2024.
Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla, nananatiling malakas ang ekonomiya ng bansa at patuloy itong patitibayin ng pent-up domestic demand.
Aniya, magbabalik na rin sa normal ang inflation sa ikatlong kwarter ng 2023.
Tiniyak din ng bsp na gagawin nito ang lahat policy action para maibalik ang inflation sa target.
Matatandaang tumaas ang annual inflation sa 8.1 % noong Disyembre, na pinakamataas mula noong 2008, mula sa 2- 4 % na target range ng Bangko Sentral.